Kabanata 6 - 11

Kabanata VI (6)

Si Kapitan Tiago
Ang katangian ni kapitan Tiago ay itinuturing hulog ng langit. Siya 

ay pandak, di kaputian at may bilugang mukha. Maitim ang buhok, at kung hindi
lamang nanabako at ngumanganga, maituturing na sya ay magandang lalaki. Dahil sa
siya ay mayaman, siya ay isang impluwensyadong tao. Siya ay malakas sa mga taong
nasa gobeyerno at halos kaibigan nya lahat ng mga prayle. Ang turing niya sa sarili ay
isang tunay na Kastila at hindi Pilipino.

Kabanata VII
(7)

Suyuan sa Asotea
Nanlamig at biglang nabitawan ni Maria Clara ang tinatahi ng may

biglang tumigil na sasakyan sa kanilang tapat. Nang maulinigan niya ang boses ni Ibarra, dali-daling pumasok sa silid si Maria Clara. Tinulungan siya ni tiya Isabel na mag-ayos ng
sarili bago harapin si Ibarra. Nang magkita na sila ni Ibarra at nagtama ang kanilang
paningin, nakaramdam silang dalawa ng tuwa.

Kabanata VIII
(8)

Mga Alaala
Habang binabagtas ni Ibarra ang isang pook sa Maynila, marami siyang

naalala. Kabilang dito ang mga kalesa at karumatang hindi tumitigil sa pagbibiyahe, mga
taong may ibat-ibang uri ng kasuotan na katulad ng mga Europeo, Intsik, Pilipino, mga 
babaing naglalako ng mga bungang-kahoy, mga lalakinh hubad na nagpapasan, mga 
ponda at restauran at pati ang mga karitong hila ng mga makupad na kalabaw.

Kabanata IX
(9)

Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
May isang karwaheng nakatigil sa tapat ng bahay ni

Kapitan Tiyago. Ang nakasakay sa loob nito ay si Tiya Isabel at hinihintay na lamang
nasumakay si Maria. Biglang dumating si Padre Damaso at kinausap si Kapitan Tiago.
Tutol siPadre Damaso sa pakikipagmabutihan ni Maria Clara kay Ibarra.

Kabanata X
(10)

Ang San Diego
Ang San Diego ay isang karaniwang bayan sa Pilipinas na nasa isang

baybayin ng isang lawa at my malalapad na bukirin at palayan. Mula sa pinakamataas na
bahagi ng simboryo ng simbahan, halos natatanaw ang kabuuanng bayan.

Kabanata XI
(11)

Ang mga Makapangyarihan Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa
mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang alperes at si 
Padre Salvi ang siyang makapangyarihan dito.