Kabanata XXI (21)
Mga Pagdurusa ni Sisa
Lito ang isip na
tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang
isip ang
katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura. Para siyang tatakasan
ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at
Crispin sa
kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng kanyang dibdib nang
papalapit na siya
sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil
na papaalis na.
Saglit na nawala ang kaba sa kanyang dibdib.
Kabanata XXII (22)
Liwanag at Dilim
Magkasamang
dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa
pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni Maria sapagkat
matagal na
siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Ipinakiusap ni
Maria sa kasintahan na
huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat
magmula ng dumating siya sa
bayan nilulukob siya ng pagkatakot sa tuwing
makakaharap niya ang kura.
Kabanata XXIII (23)
Ang Piknik
Si
Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday,
Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan
at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng
mga matatandang
babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige pa rin
ang kanilang kuwentuhan.
Kabanata XXIV (24)
Sa Kagubatan
Pagkatapos
na makapagmisa ng maaga si Padre Salvi, nagtuloy
ito sa kumbento upang
kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang kawaksi.
Binasa niya
ito. Kapagdaka'y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda
niya ang kanyang karwahe at nagpahatid sa piknikan.
Kabanata XXV (25)
Sa Tahanan ng Pilosopo
Nagpatuloy
na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala
sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng
simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at
ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ng simbahan.