Kabanata 12 - 16

Kabanata XII (12)

Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang

malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Sa ibang bahagi
ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader
na parangbabagsak na. Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat 
na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang
hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.

Kabanata XIII (13)


Mga Unang Banta ng Unos
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod 

ng ama- si Don Rafael. Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi
nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. 
Pero nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus
at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre Garrote.

Kabanata XIV (14)


Si Pilosopo Tasyo
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Dahil sa katalinuhan,

pinatigil saiya sa pag-aaral ng kanyang ina dahil ang gusto nito para sa anak ay maging
isang pari.

Kabanata XV (15)


Ang mga Sakristan
Si Crispin at Basilio ay magkapatid na sakristan. Nagtatrabaho 

sila sa simbahan na taga kampana na sineswelduhan lang ng 2.00 kada buwan.
Pinapalo sila at pinagbintangan na mgananakaw sa simbahan. Kapag nalaman ito ni
Sisa ay siguradong magagalit ito.

Kabanata XVI (16)


Si Sisa
Si Sisa ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng bayan. May isang

oras din bago marating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan. Kapuspalad si
Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam
sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Si Sisa lamang ang kumakalinga kay
Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa, naipagbili niya ang
mga alahas niya ng siya ay dalaga pa. Minsan lang umuwi ang kanyang asawa at
sinasaktan pa siya.