Kabanata 26 - 30

Kabanata XXVI (26)

Ang Bisperas ng Pista
Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang 

minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa 
Maynila na katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang 
klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa. Ang mga pagkain ganito ay inuukol 
sa mga banyaga,kaibigan o kaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o 
mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Kabanata XXVII
(27)

Sa Pagtakip Salim
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay 

Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higitan sa dami ng handa ang 
mga taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil 
si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa pagsasabing siya ay 
bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Kabanata XXVIII (28)


Sulatan
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa 

pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong mabatid ang mga 
pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na 
walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng pinangangasiwaaan ng mga paring 
pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang 
Kastila at ginoo ng gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabanata XXIX (29)


Ang Umaga
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga 

hiyas na itinatago nila.Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prusisyon. 
Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap 
sa kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay 

nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman 
at mahihirap. 

Kabanata XXX (30)

Sa Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw 

sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. 
Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na 
magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal 
ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. 
Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.