Kabanata I (1)
Isang Handaan Isang marangyang salu-salo ang
ipinag-anyaya ni Don Santiago
de los Santos na higit na popular sa
taguring kapitan Tiago. Kabilang sa mga bisita
ang bagong dating sa
Pilipinas na si Padre Damaso na nailabas ang kanyang
mapanlait na ugali.
Kabanata II (2)
Si Crisostomo Ibarra Ipinakilala
ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay
anak ng kanyang kaibigang namatay at kararating lamang niya buhat sa pitong taong
pag-aaral sa Europa. Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra
buhat sa
kanyang pag-aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang
sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin.
Kabanata III (3)
Ang Hapunan Pinag-tatalunan
ng dalawang pari kung sino ang uupo sa isang dulo
ng mesa. Sa tingin ni
Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil
siya ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman
ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon,
kung kaya't
siya ang karapat-dapat na umupo. Maraming nakausap si Ibarra
at pagkatapos ay
nagpaalam ng uuwi bagamat pnigilan ni Kapitan Tiago
dahil dadating si Maria Clara
ay hindi nagpatinag ang binata.
Kabanata IV (4)
Erehe at Pilibustero Naglakad-lakad
si Ibarra at nakilala niya si Tinyente Guevarra na pinakiusapan niyang
magkwento tungkol sa buhay ng kanyang ama dahil wala
siyang nalalaman tungkol dito. Ayon dito, ang kanyang ama ang pinakamayaman
sa kanilang lalawigan bagamat siya ay ginagalang ay kinaiinggitan. Pinagbintangan
siyang nakapatay kaya pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Kabanata V (5)
Pangarap sa Gabing Madilim
Sakay ng kalesa, dumating si
Ibarra sa Fonda de Lala. Mula sa bintana, natanaw
niya ang isang
maliwanag na bahay sa kabila ng ilog. May isang magandang binibini
na
nababalot ng manipis na habi,may suot na diyamante at ginto. Ang mga
umpukan
naman ng mga Kastila, Pilipino, pari, intsik, militar ay
nakatuon lahat sa kagandahan
ni Maria Clara.