Kabanata XXXI (31)
Ang Sermon Pinatunayan ni Padre Damaso na
kaya niyang magsermon sa
wikang kastila at Tagalog. Humanga si Pari
Sibyla sa pagkabigkas ni Padre
Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng
laway dahil sa alam niyang higit na
maagaling ang pambungad na iyon sa
kanyang sariling sermon.
Kabanata XXXII (32)
Ang Panghugos Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya
mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Sabi nito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat
na
haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila
napakatibay ng
pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay
mayroong banderang
iba-iba ang kulay.
Kabanata XXXIII (33)
Malayang Kaisipan Panauhin
ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na
ipaglihim nito ang
pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isa pa, si Elias ay
nagbabayad
lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na
dapat pa ring
mag-ingat si Ibarra sapagkat sa lahat ng dako ito ay mayroong
kaaway.
Kabanata XXXIV (34)
Ang Pananghalian Patapos
na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso.
Lahat bumati sa kanya,
maliban kay Ibarra. Nahalata ng alkalde na panay ang
pasaring ni Pari
Damaso kay Ibarra. Sinikap na ibahin nito ang usapan, pero
patuloy ang
pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang
ungkatin ni Pari Damaso ang tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang
may
kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong
niya si
Pari Damaso at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya
ni Maria.
Kabanata XXXV (35)
Mga Usap-usapan Ang mga
pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso
ay madaling kumalat
sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy kung
sino ang may
katwiran sa dalawa. Handa ang binata na dungisan ang kamay nito sa
sinumang lumapastanganan sa kanyang ama.