Kabanata 17 - 20
Kabanata XVII (17)
Si Basilio
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang
masaganang dugo. Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni
Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya
sinabi ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor.
Kabanata XVIII (18)
Mga Kaluluwang Naghihirap
Dumeretso si Sisa sa ksina ng kumbento.
Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari.
Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya ang tagapagluto,
Kung nasaan si Crispin. Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang
sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na
makapagnakaw ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid.
Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel.
Ang mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang
magkapatid, pagdiin pa ng alila.
Kabanata XIX (19)
Mga Suliranin ng Isang Guro
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa
ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok.
Sa tabi ng lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay
Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael.
Kabanata XX (20)
Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang
pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan.
May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo
ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa pyesta.